Nangako si Finance Secretary Ralph Recto na patuloy niyang isusulong ang tamang polisiya upang patatagin ang financial inclusion ng bansa at imodernisa ang Philippine capital market para sa paglago ng government securities-eligible dealers (GSEDs).
Sa katunayan ayon sa kalihim, ilulunsad ang innovative GBonds ng GCash sa susunod na buwan.
Ito ay upang gawing madali at maging accessible sa publiko ang pamumuhunan.
Sinabi ni Recto, na isa sa kanyang hangarin na gawing simple ang pag-invest ng mga kababayan gaya ng pag-order ng kanilang paboritong pagkain.
Kasunod nito, nanawagan ang kalihim sa GCash, Philippine Digital Asset Exchange (PDAX) Inc., at mga regulator na pabilisin ang proseso ng launching ng GBonds upang makamit na ang financial inclusion ng mga Pinoy.
Nag-commit din si Recto, na patuloy na itutulak ng economic team ang greater retail participation at digital transformation na magdudulot ng paglago sa ekonomiya. | ulat ni Melany Valdoz Reyes