Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na nasa maayos na kalusugan si Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ang paglilinaw ay ginawa ng DOJ matapos mapansin ng publiko na halos hindi nakikita ang kalihim nitong mga nakakaraang araw.
Ayon kay Justice Undersecretary Jesse Andres, malakas ang pangangatawan ng kalihim at abala lamang ito sa kanyang trabaho bilang alter ego ng Pangulo.
Si Remulla ay aminadong sumalang sa isang bypass surgery noong nakaraang taon para tanggalin ang bara sa kanyang puso. | ulat ni Mike Rogas