Sen. Gatchalian, hinikayat ang mga otoridad na patuloy na sugpuin ang iligal na POGO operations sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa mga pulis, lokal na pamahalaan at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno na huwag tumigil sa pag aksyon kontra sa mga iligal na POGO operations sa bansa.

Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng police raid sa isang POGO site sa Central One sa Bagac, Bataan.

Ayon kay Gatchalian, ang pinakabagong police raid na ito ay nagpapakita lang na patuloy pa ring isinasawalang bahala ng mga sindikatong ito ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na total POGO ban sa Pilipinas.

Sa halip aniya na tapusin na ang kanilang mga operasyon ay patuloy pa rin silang gumagawa ng scamming activities na itinatago nila sa likod ng BPO operations.

Malinaw aniya itong pagbalewala sa mga batas ng ating bansa.

Kaya naman kasabay ng pagpuri sa patuloy na aksyon ng mga otoridad laban sa mga iligal na POGO, iginiit ni Gatchalian na hindi pa rin dapat huminto hangga’t hindi nawawala ang salot sa lipunan dulot ng operasyon ng mga POGO sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us