Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isaling muli ang Pilipinas bilang state party sa Rome Statute ng International Criminal Court (ICC).
Ipinunto ni Hontiveros na ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC ay bunga ng interes ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na isalba ang kanyang sarili.
Matatandaang kumalas ang Pilipinas sa ICC noong 2018 matapos magkasa ang international court ng preliminary investigation sa mga sinasabing extra judicial killings noong ipatupad ang war on drugs ng Duterte administration.
Para kay Hontiveros, ang hakbang na ito ay nagpahamak sa ating bansa at inalis nito sa mga Pilipino ang mahalagang mekanismo ng katarungan.
Apela ni Hontiveros kay Pangulong Marcos, itama ang mali ng dating presidente at ibalik ang Pilipinas sa ICC para ipakita ang tunay na pagpapahalaga sa hustisya at rule of law. | ulat ni Nimfa Asuncion