Sen. Tulfo, kinumpirma na kaanak ng isang senador ang sakay ng nasitang SUV na dumaan sa EDSA busway nitong linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Raffy Tulfo na kamag anak ng isang senador ang sakay ng puting SUV na may protocol plate no. 7, na namataan nitong linggo na dumaan sa EDSA busway at tumakas sa mga traffic enforcer na nanita sa kanila.

Base aniya sa impormasyon na nakuha ni Tulfo, dumating ang pasahero nitong SUV noong November 3 sa NAIA terminal 1 at papunta sana ng Solaire sa Quezon City.

Kaugnay nito, nanawagan ang senador sa pasahero ng SUV na aminin na ang kanyang pagkakamali…

Sa ngayon ay nagda-draft na ng resolusyon si Tulfo para magkaroon ng Senate inquiry tungkol sa isyung ito.

Pangunahing magiging layunin aniya ng isusulong niyang pagdinig ay malaman kung bakit tila hindi ginagawa ng MMDA ang kanilang trabaho…

Kabilang na dito ang tila madalas na nakakalusot na mga pribadong sasakyan na dumadaan sa EDSA busway, na eksklusibo lang dapat sa mga pampasaherong bus.

Nais ding malaman ng senador kung ano ang ginagawa ng motorcycle unit ng MMDA sa paghabol ng traffic violators, at hindi sa pag e-escort ng mga VIP, patay, kasal, binyag at iba pa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us