Binigyang-diin ni Senador Joel Villanueva na kailangang tiyakin na mayroong sapat na pondong ilalaan para sa pagpapatupad ng mga enacted laws o pinagtibay na mga batas.
Ipinunto ni Villanueva na sa 2023 Department of Budget and Management (DBM) report, may 200 batas ang nakakaranas ng kakulangan ng pondo na nagiging hadlang sa epektibong pagpapatupad ng mga ito.
Pinunto ng senador na base sa Fiscal Planning and Reforms Bureau (FPRB) ng DBM, umabot ang funding deficiency ng higit 46 batas sa 554.5 bilyong piso
Samantala, ang natitirang 159 na unfunded law ay kulang sa tinukoy na budgetary requirement.
Ilan aniya sa mga batas na may funding deficiencies ay may kinalaman sa pagtatayo ng Land Transportation Office (LTO) district offices at ang Revised AFP Modernization Act (RA 10349).
Giniit rin ni Villanueva ang kahalagahan ng maayos na ugnayan at pagtutulungan ng Ehekutibo at Lehislatura sa pagbibigay ng ‘timely feedback and financial projections’ para sa mga panukala na may funding implication.| ulat ni Nimfa Asuncion