Senado, manghihingi ng paliwanag mula sa mga kongresista tungkol sa layunin AKAP program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilatag ni Senate Committee on Finance Chairperson Senadora Grace Poe ang mga napuntahan ng P39 billion na alokasyon para sa Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program ng DSWD na hindi pinaglaanan ng pondo ng Senado sa kanilang bersyon ng 2025 general appropriations bill (GAB).

Ayon kay Poe, kabilang sa mga pinaglagyan nila ng pondo ay para sa dagdag na pondo para sa pension ng mga indigent senior citizen, Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS), educational assistance at livelihood programs para sa mga magsasaka at mga mangingisda.

Matatandaang sa ilalim ng 2025 national expenditure program (NEP), walang alokasyong pondo para sa AKAP program ng DSWD at pagdating sa kamara ay pinaglaanan nila ito ng P39 billion.

Sinabi ni Poe na sa gagawin nilang bicameral conference committee meeting para 2025 budget bill ay nais nilang malinawan, mula sa mga kongresista, tungkol dito sa AKAP program.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us