Pinayuhan ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang mga government officials na matutong huminahon at huwag magpadala sa bugso ng damdamin o galit.
Ito ay may kaugnayan sa pagkakasibak sa pwesto kay Presidential Anti-Orgranized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio dahil sa nag-viral na video kung saan nakitang sinampal niya ang isang manggagawa sa gitna ng isinagawang raid sa Central One sa Bagac, Bataan.
Ayon kay Dela Rosa, “unbecoming” ang manampal ng tao at hindi magandang asal ng isang government official ang mananakit ng kapwa.
Payo ng senador sa ganitong sitwasyon, mag-isip muna at pairalin ang pasensya para hindi makapanakit.| ulat ni Nimfa Asuncion