Naghain si Senador Risa Hontiveros ng isang resolusyon na layong maimbestigahan sa Senado ang napapaulat na mga insidente ng scam at mga di otorisadong transaksyon sa mga mobile financial services gaya mg GCash at Paymaya.
Sa Senate Resolution No. 1234 ni Hontiveros, iginiit nitong dapat suriin ng Senado ang mga kasalukuyang patakaran sa fintech, at ang kakulangan ng batas para sa proteksyon ng mga Pilipinong gumagamit ng digital wallets.
Pinunto ng senador, na naging bahagi na ng pang araw araw na buhay ng mga Pilipino ang mobile financial services at naging mahalagang sector na rin ang fintech ng ekonomiya ng bansa.
Dahil dito, kailangan na aniya ng batas na poprotekata sa kapakanan ng bawat Pilipino na gumagamit ng digital wallets, lalo na kung may scam, hacking o ibang regularidad.
Isa sa mga insidente na binanggit sa resolusyon ay ang mga kaso ng misteryosong transaskyon at paglipat ng pera mula sa mga GCash account sa mga hindi kilalang numero.
Ayon kay Hontiveros, may mga kahalintulad na phishing attacks noong 2023 na tumarget na rin sa GCash accounts sa pamamagitan ng online gambling platforms.
Binanggit din ng senador ang babala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko hinggil sa mga phishing scam, na nagpapanggap na official text mula GCash o PayMaya gamit ang IMSI catcher – isang device na kayang magpanggap na cell site para manmanan ang data traffic ng mobile users. | ulat ni Nimfa Asuncion