Binahagi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ipagpapatuloy sa kalagitnaan ng buwan ito o ngayong Nobyembre ang pagdinig ng senate blue ribbon tungkol sa war on drugs.
Ayon kay Dela Rosa, nabanggit ito sa kanya ni subcommittee chairman Senador Koko Pimentel.
Nilinaw ng senador na maaari pa rin naman silang magsagawa ng Senate inquiry kaya pa puspusan na ang plenary deliberations ng Senado tungkol sa panukalang 2025 National Budget.
Pwede naman aniyang sa umaga gawin ang pagdinig.
Kaugnay nito, sinabi ni Dela Rosa na posibleng hindi na dumalo sa susunod na magiging pagdinig ng Senate panel si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, nasabi naman na ng dating pangulo ang lahat ng nais niyang sabihin at tila naitanong na rin naman na ang mga dapat itanong kay Duterte.
Pwede pa rin naman aniyang ipatawag ng Senate panel si Duterte kung may mga masasabing mabigat ang mga resource person na dapat nitong sagutin.
Gayunpaman, hindi na sigurado si Dela Rosa kung bukas pa ang dating presidente na dumalong muli sa Senate hearing.| ulat ni Nimfa Asuncion