Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, pabor na di natuloy ang impeachment laban kay VP Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinatigan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang hindi pagtuloy ng impeachment process laban kay Vice Prsident Sara Duterte.

Giit ni Estrada, ang impeachment ay isang political process at hindi isang judicial na proseso.

Mas marami aniyang problema ang Pilipinas na mas kailangang pagtuunan ng pansin at tugunan, hindi lang ng dalawang pinakamataas na opisyal ng gobyerno kung hindi maging nilang mga mambabatas.

Makapagdudulot lang aniya ng divisiveness o pagkakawatak watak ang impeachment, at magiging sagabal sa pagresolba nila ng mga mahahalagang isyu na kailangang solusyunan.

Iginiit pa ni Estrada, na ang impeachment ay dapat nakaugat sa prinsipyo ng hustisya at accountability, hindi sa personal o partisan motives.

Sa huli, patuloy aniyang ipagdadasal ng Senate President Pro Tempore, na magkakabati na rin sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at VP Sara, para na rin sa kapakanan ng ating mga kababayan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us