Ipinadala na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga listahan ng mga pagpipilian ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang susunod na Presiding Justice ng Court of Appeals at Sandiganbayan.
Ito ang kinumpirma ng JBC natapos ang isinagawang public interview sa mga kandidato.
Para sa Sandiganbayan, kabilang sina:
- Associate Justice Geraldine Faith Econg
- Associate Justice Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta
- Associate Justice Maria Theresa Mendoza-Arcega
- Associate Michael Frederick Musngi
Ang mapipili na bagong Presiding Justice ay papalitan ang nagretiro na si Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.
Para naman sa Court of Appeals, kabilang sina:
- Associate Justice Nina Antonio-Valenzuela
- Associate Justice Ramon Bato Jr.
- Associate Justice Apolinario Bruselas Jr.
- Associate Justice Ramon Cruz
- Associate Justice Maria Elisa Diy
- Associate Justice Zenaida Galapate-Laguilles
- Associate Justice Myra Garcia- Fernandez
- Associate Justice Fernanda Lampas-Peralta
- Associate Justice Pablito Perez
Ang sinumang mapipili ng Pangulo ay papalitan ang nagretirong si Presiding Justice Mariflor Punzalan-Castillo. | ulat ni Mike Rogas