Tiniyak ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines na noon pa man ay simple lang ang kanilang Christmas party.
Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, ito ay bilang bahagi ng kanilang transparency at commitment sa naayon na paggastos ng kaban ng bayan.
Nakalinya din aniya ito sa kanilang misyon at responsibilidad sa ahensya.
Matatandaang nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan na iwasan ang magarbong selebrasyon ng mga Christmas party.
Ito aniya ay bilang pakikiisa sa mga Pilipinong biktima ng sunod-sunod na kalamidad sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco