Sa ikalawang sunod na buwan, muling magpapatupad ng umento sa kanilang singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERLACO).
Batay sa abiso ng MERALCO, .43 sentimos kada kilowatt-hour ang asahang itataas sa Novermber billing.
Paliwanag ng MERALCO, ito’y dahil sa mas mataas na generation at transmission charge.
Katumbas ito ng Php 85 para sa mga kumokonsumo ng average na 200 kwh kada buwan habang Php 214 ang asahang dagdag-singil para sa mga kumokonsumo na 500 kwh kada buwan. | ulat ni Jaymark Dagala