Tiniyak ng Quezon City Traffic and Transport Management Department (TTMD) na naka-monitor sila sa sitwasyon ng trapiko sa paligid ng Veterans Memorial Medical Center kung saan naka-confine si Office of the Vice President Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez.
Ayon kay QC TTMD Chief Dexter Cardenas, kasama sa monitoring nila ang Gate 1 ng North Avenue kung saan karaniwang nagtitipon-tipon ang mga tagasuporta ng Bise Presidente.
Handa naman daw ang kanilang hanay na magdagdag ng tauhan sakaling magkaroon ng kilos-protesta sa lugar.
Kagabi, una nang nagkasa ng vigil ang mga tagasuporta ng Pangalawang Pangulo sa labas ng VMMC ngunit hindi naman aniya ito nagdulot ng pagbigat sa trapiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa