SP Chiz Escudero, no comment sa sinasabing impeachment laban kay VP Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayaw magkomento ni Senate President Chiz Escudero kaugnay ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na totoong nanawagan siyang huwag nang ituloy ang impeachment laban sa bise presidente.

Ayon kay Escudero, hindi siya magbibigay ng ano mang pahayag tungkol sa impeachment lalo na’t ang Senado aniya ang maaatasan na dinggin ang lahat ng impeachment cases.

Hinikayat rin ng senate president ang mga kasamahan niya sa Mataas na Kapulungan, na ganito rin ang gawin.

Base sa proseso, kapag nakapasa sa Kamara ang articles of impeachment laban sa isang opisyal ng gobyerno, aakyat ito sa senado para magsagawa ng paglilitis.

Kapag napatunayang guilty ng senado, maaalis sa posisyon ang akusadong opisyal. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us