Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na bibigyan ng pardon o clemency ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Mary Jane Veloso, kapag nailipat na ang kustodiya nito sa Pilipinas.
Pero ayon kay Escudero dadaan pa ito sa kinauukulang legal at diplomatikong proseso.
Kabilang na aniya dito ang pagbibigay ng courtesy sa pamahalaan ng Indonesia bago ibigay ang pardon o clemency kay Veloso.
Sa ngayon, ang mahalaga ayon kay SP Chiz ay ligtas na sa parusang kamatayan si Veloso at may mga proseso nang ginagawa para ganap na siyang maging malaya.
“I believe that PBBM will. However, it will have to go through the process, both legal and diplomatic, and with due courtesies to the Indonesian government. In the meantime, what’s important is that she has been spared from the death penalty and the process is underway for her to be free ultimately.”
Sa inaasahang pagbabalik Pilipinas ni Veloso, sinasabing nasa kamay na ni Pangulong Marcos Jr. ang ganap na pagpapalaya dito sa pamamagitan ng paggawad ng clemency.
Gayunpaman, kailangan pa munang makuha ang pagpayag ng Indonesian Government bago ito magawa. | ulat ni Nimfa Asuncion