Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang Bicameral Conference Committee na tiyakin na ang mapagtitibay na 2025 national budget ay uunahin ang pangangailangan ng mga Pilipino.
Naniniwala ang lider ng Kamara na bagamat may magkaibang pamamaraan ang dalawanag kapulungan ng Kongreso, iisa naman dapat ang maging mithiin nito.
“This is where we prove that we’re capable of working together, not just as representatives of our respective chambers but as leaders who genuinely care about the future of this country. We may have different approaches, but the outcome must be the same: a budget that works for everyone—from the farmers in rural provinces to the workers in urban centers, from small business owners to young students dreaming of a better life,” sabi ng House Speaker.
Ito ay ang makabuo ng budget na papakinabangan ng lahat, mula sa mga magsasaka sa probinsya, manggagawa sa lungsod, maliit na negosyante at mga estudyanteng nangangarap ng mas magandang buhay.
“We’re all here because we’ve been trusted with a responsibility. Let’s live up to that trust. Let’s have honest, productive discussions, and let’s find the common ground that puts the people first,” dagdag pa niya.
Paalala pa niya na may responsibilidad na iniatang sa kanilang mga balikat kaya’t dapat lang nilang pagtulungan ang pagbuo sa pambansang pondo hindi lang bilang mga kinatawan ngunit mga lider na may tunay na malasakit sa kinabukasan ng bayan.
“We owe it to every Filipino who wakes up everyday trying to make ends meet, hoping that their government has their back. Let’s give them a budget that says, ‘Yes, we hear you. Yes, we care. And yes, we’re doing something about it’,” sabi ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes