Hinikayat ngayon ni Speaker Martin Romualdez ang mga Pilipino na ipamalas ang pakikisimpatya at pagkakaisa bilang pag-alala sa mga namayapang santo at mahal sa buhay, para sa isang mas matatag at mapagkalingang Pilipinas.
Ito ang mensahe ng House leader kasabay ng pakikiisa sa paggunita ng Undas.
Aniya, ang bawat kandilang sisindihan at panalangin na babanggitin ay pag alala sa iniwan nilang marka sa ating mga buhay.
“As we come together on this sacred occasion of All Saints’ Day and All Souls’ Day, let us pause to honor the saints and the loved ones who have touched our lives, those whose spirit and memory continue to inspire us long after they have gone. These days remind us that while they may no longer be with us, their values, love, and courage remain, guiding us forward,” sabi ng House Speaker.
Punto pa niya, na hindi lang ito araw ng pag alala sa kanilang mga alaala ngunit pagkakataon na gamitin ito bilang aral at pagkunan ng lakas sa pagharap natin sa hinaharap, at pagpapatuloy ng kanilang legasiya
“This time of remembrance is not only about honoring the past but about drawing strength from it to build a future worthy of their dreams,” dagdag pa niya.
“Mabuhay po tayong lahat, at nawa’y magbigay-lakas ang alaala ng ating mga mahal sa buhay upang tayo’y magpatuloy nang may pag-asa at pagkakaisa.” pagtatapos ng House Speaker | ulat ni Kathleen Forbes