Special DisbursementOfficer ng OVP, isinugod sa ospital

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinugod sa ospital ang special disbursement officer ng Office of the Vice President na si Gina Acosta, matapos tumaas ang blood pressure.

Sa kalagitnaan ng interpelasyon ng House Blue Ribbon Committee tungkol sa isyu ng confidential fund ng OVP, kinailangan ihinto ang pagtatanong kay Acosta dahil sa tumaas ang blood pressure hanggang sa naging unresponsive na.

Dahil dito, agad tinignan ng mga doktor ng Medical and Dental Services ng Kamara si Acosta, nagpatawag ng ambulansya, at dinala sa Veterans Memorial Medical Center.

Sinamahan siya ni Vice President Sara Duterte hanggang sa siya ay maisakay ng ambulansya.

Bumalik sa pag-dinig ng komite ang pangalawang pangulo para pormal na magpaalam na aalis siya para sundan at samahan sa ospital ang empleyado ng kaniyang tanggapan.

Pinagbigyan naman ito ng komite.

Nangako rin ang bise presidente na dadalo sa susunod na hearing ng House Blue Ribbon Committee. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us