SSS, itinakda na ang pamamahagi ng 13th Month Pay para sa mga pensioner nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo na ngayon ng Social Security System (SSS) ang iskedyul para sa nakatakdang pamamahagi ng “13th Month Pay” para sa mga pensioner nito.

Ayon sa SSS, sabay nang matatanggap ng mga pensioner ang kanilang 13th Month Pay na katumbas ng isang buwan na pensyon at kanila pang pensyon para sa buwan ng Disyembre.

Sa December 1, inaasahan ang 13th Month ng mga SSS pensioner na tumatanggap ng pension mula a-uno hanggang a-kinse ng buwan habang sa December 4 naman ang pagpasok ng mga may 16 hanggang 31 na contingency date.

Para naman sa pensioners na nag-avail ng advance 18 months, ito ay matatanggap sa December habang sa December 16 naman ang para sa naipong pension dahil sa non-compliance sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us