Nagbukas ng mga bagong sangay ang Social Security System (SSS) sa Visayas at Mindanao Region.
Ayon kay SSS Officer-In-Charge Voltaire Agas, ang pagbubukas ng mga bagong sangay ay para ilapit ang mga serbisyo sa publiko.
Mas madali na rin sa mga mga miyembro na ma-access ang mga benepisyo at ang maayos na pakikipag transaksyon.
Sa Visayas, binuksan ang SSS Iloilo Branch sa City Mall Pavia, Barangay Ungka II, Pavia Iloilo City.
Apat na lugar naman sa Davao sa Mindanao binuksan ang mga sangay ng SSS.
Ito ay kinabibilangan ng SSS Davao-San Pedro Branch na matatagpuan sa San Pedro St., Brgy. 3-A, Davao City; SSS Panabo Branch sa National Highway, Brgy. San Francisco, Panabo City; SSS Nabunturan Service Office sa Municipal Compound, Purok 9, Barangay Poblacion, Nabunturan, Davao De Oro; at SSS sa NCCC Mall Buhangin, Mandug-Tigatto Road, Buhangin Davao City.| ulat ni Rey Ferrer