Kontrolado na ang sunog sa bahagi ng Commonwealth Market, Quezon City.
Nasa limang oras ding nakataas sa ikalawang alarma ang sunog bago naideklarang fire under control bandang 7:43am.
Apektado ng sunog ang mahabang hilera ng mga stall ng dry goods kung saan ang ilan sa paninda ay mga grocery items, plastic na mga kagamitan, bigas, asukal, at pansit.
Nasa 43 mga firetruck na ang sumaklolo dito para tulong-tulong na apulahin ang sunog.
Naghakot na rin ng gamit at mga dokumento ang mga tauhan sa admin office ng palengke na katabing-katabi lang ng nasusunog na mga stall.
Tuloy naman ang negosyo sa ilang mga tindahan na hindi nadamay sa sunog. Marami ring mamimili ang hindi naiiwasang makisilip at makiusyoso sa nagaganap na sunog.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog at kung gaano karaming stall ang apektado. | ulat ni Merry Ann Bastasa