Mag-aapat na oras nang inaapula ng mga bumbero ang sunog na sumiklab sa Riverside ng Commonwealth Market.
Hanggang ngayon nakataas pa rin sa ikalawang alarma ang sunog sa naturang palengke at maitim at makapal pa rin ang usok na nagmumula sa nasusunog na bahagi ng palengke.
Sa impormasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), 2:45am itinaas sa unang alarma ang sunog na mabilis na iniakyat sa ikalawang alarma bandang 3:00am.
Pahirapan ang pag-apula dahil mga highly combustible ang laman ng bahagi ng palengkeng nasusunog gaya ng mga plastic na paninda at mantika.
Dahil sa sunog, mas mabigat pa ngayon ang usad ng mga sasakyan sa kahabaan ng Commonwelath Avenue patungong Elliptical Road.
Tuloy naman ang negosyo sa ibang tindahan na hindi nadamay sa sunog. | ulat ni Merry Ann Bastasa