Nasa 314 munisipalidad na ang fully o partially energized kasunod ng nagpapatuloy na power restoration ng mga electric cooperative na tinamaan ng Super Typhoon Pepito.
Katumbas na ito ng 83.51% ng mga lugar na pinadapa ng bagyo.
Sa update ng National Electrification Administration (NEA) Disaster Risk Reduction and Management Department, 25 electric coops ang may partial power interruptions na lamang.
Gayunman, mayroon pang isang electric cooperative ang walang suplay ng kuryente na Aurora Electric Coop.
Apektado rito ang nasa higit 63,000 pang consumer mula sa lalawigan.
Ayon pa sa NEA, aabot na rin sa higit ₱2.5-million ang inisyal na halaga ng pinsala ng Bagyong Pepito sa mga pasilidad ng kuryente. | ulat ni Merry Ann Bastasa