Sinimulan na ng binuong Task Force on Extra Judicial Killings ang kanilang imbestigasyon kaugnay ng war on drugs noong nakaraang administrasyong Duterte.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nangangalap na ng mga ebidensya ang Task Force EJK para simulan ang pagbuo ng kaso.
Ang Task Force EJK ay pinamumunuan ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon at mga kinatawan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Makikipag-ugnayan din ang ang binuong Task Force sa mga tumestigo sa Senado at Kamara upang makabuo ng kaso.
Wala namang deadline na ibinigay ang DOJ sa Task Force EJK kung kailan tatapusin ang pagsasampa ng kaso sa mga idinadawit. | ulat ni Mike Rogas