Hinamon ni dating Pasig City Councilor Atty. Christian Sia si Mayor Vico Sotto na papanagutin ang executive assistant ng Office of the City Administrator na si Maurice Camposano.
Ito’y kaugnay sa umano’y “troll farm” na minamantine umano ni Camposano para gamitin sa pag-atake sa mga kalaban ng alkalde.
Ayon kay Atty. Sia, dapat papanagutin ang alkalde si Camposano dahil sa maraming Pasigueño aniya ang nabiktima nito.
Hindi rin aniya dapat payagan ni Sotto si Camposano, na magbitiw sa puwesto lalo’t palasak na aniya ang taktikang ito.
Ang dapat aniya, kasuhan si Camposano at ibunyag nito kung sino ang nagpopondo sa kaniya para sa pagpapakalat nito ng propaganda.
Dagdag pa ni Atty. Sia, kumikita umano si Camposano ng P1.5 milyon bilang content moderator sa pinatatakbo nitong “troll farm.” | ulat ni Jaymark Dagala