Pumirma ng isang Joint Memorandum Agreement ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa Data Sharing Agreement (DSA) para mapalakas ang skills training, career guidance, at employment support para sa mga Filipino workers.
Ang naturang kolaborasyon ay makakagawa ng mas integrated approach pagdating sa employment facilitation, skill development, at labor market information.
Ayon sa TESDA, ito ay alinsunod sa layunin ng Philippine Development Plan 2023-2028, Philippine Labor and Employment Plan 2023-2028, at ng National Technical Education and Skills Development Plan 2023-2028.
Dagdag pa ng TESDA na ang naturang framework para sa dalawang ahensya ng pamahalaan ay magkaroon ng pinagsamang programa gaya ng career counseling, soft skills training, technical-vocational education, at job-matching services through PhilJobNet and TESDA’s Registry of Certified Workers.
Inaasahan ng nasabing pagsasama ay inaashaang mag papalakas ng workforce readiness, sasagot sa problema ng job-skills mismatch, at mag papaganda ng access sa employment opportunities para sa mga pinoy job seekers sa buong bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco