Nagsagawa ng training sa Organic Vegetable Production ang lokal na pamahalaan ng Bayan ng Catubig sa Lalawigan ng Northern Samar sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office, katuwang ang Agricultural Training Institute Region 8.
Kalahok sa nasabing pagsasanay ang mga kabataang may interes sa organikong pagsasaka.
Sa pagsasanay, tinuruan ang mga kalahok ng pundasyon ng kaalaman sa pamamaraan ng organikong pagsasaka. Tinalakay din sa kanila ang mga kalamangan at benepisyo ng organikong pagsasaka at ang tulong na makukuha sa pagsali sa Organic Agriculture Youth Internship Program ng Department of Agriculture (DA).
Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kaalaman ng mga kabataan at mapalakas din ang interes ng komunidad upang maisulong ang organikong pagsasaka. | ulat ni Suzette Pretencio | RP1 Calbayog