Transparency at ilan pang pagbabago sa proseso ng bicam para sa 2025 Budget bill, iminungkahi ni Sen. Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senator Imee Marcos na gawing mas transparent at collaborative ang proseso ng pagbuo ng panukalang pambansang pondo sa susunod na taon o ang 2025 General Appropriations bill (GAB).

Sa liham na ipinadala ni Senator Imee kay Senate President Chiz Escudero, na pinadaan nito kay Senate Committee on Finance Chairperson Sen. Grace Poe, hinihiling nitong magpatupad ng pagbabago sa deliberasyon ng budget bill pagdating sa Bicameral Conference Committee.

Kabilang sa mga minumungkahi ng mambabatas na dapat isama ang lahat ng mga vice chairperson ng mga subcommittee on finance bilang opisyal na mga miyembro ng bicam, para maging mas malawak ang talakayan sa pag amyenda ng budget.

Ipinunto ni Senador Imee, na ano mang pangunahin o malalaking pagbabago sa budget ay dapat bukas na talakayin sa bicam members.

Inirekomenda rin nitong magkaroon ng pre-bicam coordination sa mga counterpart nila sa Kamara, para mai-align ang kanilang mga prayoridad at matugunan agad ang ano mang potensyal na hindi pagkakasunduan bago ang pormal na deliberasyon.

At dapat aniyang ipaalam o talakayin ng Committee on Finance ang anumang panukalang amyenda sa budget ng isang ahensya o opisina sa vice chairperson na humawak ng budget nito.

Inaasahang gagawin ang bicam simula sa Huwebes, November 28, hanggang sa Sabado, November 30. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us