UAE President, inimbitahan ni Pangulong Marcos Jr. na bumisita sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na inimbitahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si United Arab Emirates (UAE) President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan, na bumisita sa Pilipinas.

Matapos ang produktibong working visit sa UAE, sinabi ng Pangulo na umaasa siya sa pagpapatuloy ng diyalogo ng UAE at Pilipinas, upang mapalawak pa ang kooperasyon ng dalawang bansa.

Pinagtibay din ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas para sa pagpapalalim pa ng relasyon ng dalawang bansa, kasabay ng ika-50 taon ng diplomatic relations ng Abu Dhabi at Maynila.

“I also conveyed appreciation for the UAE Government’s constant humanitarian support for victims of these natural calamities. I invited His Highness to return visit to the Philippines in the coming months to continue our dialogue and to explore further areas of cooperation.” —Pangulong Marcos

Samantala, sa pagbisita sa UAE, nakipagpulong din ang Pangulo kay UAE Vice President Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum, kung saan tinalakay ang pagpapaigting ng bilateral relations, economic cooperation, at iba pang oportunidad sa pagitan ng dalawang bansa.

Base sa datos, nasa 700, 000 na Pilipino ang kasalukuyang nakatira at nagta-trabaho sa UAE. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us