Personal na inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan na bumisita sa Pilipinas.
Matapos ang produktibong working visit sa UAE, sinabi ng pangulo na umaasa siya sa pagpapatuloy ng dayalogo ng UAE at Pilipinas, upang mapalawak pa ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Pinagtibay din ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas para sa pagpapalalim pa ng relasyon ng dalawang bansa, kasabay ng ika-50 taon ng diplomatic relations ng Abu Dhabi at Maynila.
“I also conveyed appreciation for the UAE Government’s constant humanitarian support for victims of these natural calamities. I invited His Highness to return visit to the Philippines in the coming months to continue our dialogue and to explore further areas of cooperation.” —Pangulong Marcos.
Samantala, sa pag-bisita sa UAE, nakipagpulong din ang pangulo kay UAE Vice President Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum, kung saan tinalakay ang pagpapa-igting ng bilateral relations, economic cooperation, at iba pang oportunidad sa pagitan ng dalawang bansa.
Base sa datos, nasa 700, 000 na Pilipino ang kasalukuyang nakatira at nagta-trabaho sa UAE. | ulat ni Racquel Bayan