Maayos at mapayapa ang unang gabi ng Televangelist na si Apollo Quiboloy sa Pasig City Jail – Male Dormitory.
Ito’y ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson, JSupt. Jayrex Bustinera makaraang ilipat sa nabanggit na piitan si Quiboloy kahapon (November 27) buhat sa Philippine Heart Center sa Quezon City.
Ayon kay Bustinera, pagdating sa pasilidad, ipiniit muna si Quiboloy sa isang classification cell para isailalim sa medical check-up at quarantine.
Mananatili muna aniya rito si Quiboloy sa loob ng dalawang linggo bago dalhin sa regular na selda.
Una ang sinabi ni Bustinera na may lawak lamang na dalawang metro kwadrado ang seldang paglilipatan kay Quiboloy na naglalaman ng mahigit 30 Persons Deprived of Liberty (PDL). | ulat ni Jaymark Dagala