Magpapadala na rin ng tulong ang mga taga- Valenzuela City sa mga sinalanta ng Bagyong #KristinePH sa Bicol Region.
Sa pamamagitan ng Valenzuela City LGU, magdo-donate ito ng Php 11 million para sa mga apektadong lungsod at munisipalidad ng Albay, Camarines Sur at Camarines Norte.
Batay sa ulat, may limang bayan sa Camarines Sur ang napuruhan ng husto ng kalamidad kung saan 106,124 pamilya o 498,040 indibidwal ang apektado.
Habang 25,528 pamilya o 119,860 katao naman ang naapektuhan din sa Iriga City.
Sa lalawigan ng Albay, abot sa 34,806 pamilya o 146,046 indibidwal partikular sa bayan ng Libon at Guinobatan ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.| ulat ni Rey Ferrer