Iba’t ibang imported vape products na iligal na ibenebenta ng isang vape shop ang kinumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ginawa ito ng BIR matapos ang pagsalakay ngayong gabi sa business establishment na nasa kanto ng Tomas Morato at Sct Fuentebella sa Quezon City.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., nadiskubre nilang nagbebenta ito ng vape products ng walang BIR Stamp na patunay na hindi nagbabayad ng Excise Tax.
Giit pa ni Lumagui, may dalang panganib sa kalusugan ng taong gagamit ng iligal na mga produkto dahil hindi dumaan sa inspection at pagsusuri ng Department of Health (DOH).
Sabi pa ng BIR chief, mahigit P40 bilyong excise tax ang nawawala sa gobyerno kada taon dahil sa unregistered vape products at iba pang produkto.| ulat ni Rey Ferrer