Mariing sinabi ni Bataan 2nd Dist Rep. Albert Garcia na hindi ikukunsinte ng Kamara de Representates ang pagbabanta sa demokrasiya at sa mataas na lider ng bansa.
Ito ang manifestation ni Garcia sa plenaryo sa House Resolution No. 2092 na nagpapapahayag ng unwavering support kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Garcia, matindi ang naging pag-amin ni VP Sara na “assassination plot” laban sa Pangulo, kay First Lady Liza Araneta Marcos at sa House Speaker.
Hindi lamang aniya ito nakaalarma bagkus ito ay paglabag sa public trust at democratic values bilang pangalawang pinakamataas na lider ng bansa.
Diin ni Garcia, hindi titigil ang Kamara na panagutin ang aksyon ng pangalawang pangulo sa pinakamataas na standard ng accountability dahil ito ay disservice sa sambayanang Pilipino.
Aniya, walang puwang sa gobyerno at demokrasya ang pagbabanta ng pangagalawang pangulo.| ulat ni Melany V. Reyes