₱6 na pagbaba sa presyo ng bigas, inaasahan kung agad maghihigpit kontra hoarding

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng umabot sa hanggang ₱6 ang ibababa sa presyo ng kada kilo ng bigas.

Ito ay kung makakakapagpatupad agad ng anti-hoarding measures ang pamahalaan.

Tugon ito ni Murang Pagkain Supercommittee Over-All Chair Joey Salceda sa planong pagdedeklara ng Department of Agriculture ng Food Security Emergency.

Aniya, kung agad mapapagana ang Food Security Emergency salig sa inamyendahang Rice Tariffication Law ay tiyak na mapapahupa ang pagsipa sa presyo ng bigas.

Kaya mahalga aniya na makapaglabas agad ng desisyon ang kagawaran ukol dito.

“I thank Secretary Kiko Tiu Laurel and urge him to follow through as soon as possible. We should see a price reduction of at least ₱6 per kilo as a result of stricter enforcement against hoarding,” ani Salceda.

Una nang pinayuhan ng mga mambabatas ang DA na hanapin at aralin ang lahat ng umiiral na batas na maaari nila magamit kontra hoarding.

Kabilang na nga rito ang inamyendahang Rice Tariffication Law at Price Act. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us