1.2 million na mga bata, nabakunahan na ng DOH laban sa measles outbreak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na sa 1.2 milyong mga bata ang nabigyan ng bakuna mula sa Department of Health (DOH) laban sa measles o tigdas.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, pinakamaraming nabigyan ng bakuna ay ang mga bata mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ay dahil nagkaroon ng outbreak ng tigdas sa nasabing mga lugar kung kayat kinailangan ng DOH na magsagawa ng massive vaccination.

Sa pamamagitan ng kanilang ugnayan sa Department of Education at mga local government units (LGUs) ay naisakatuparan ang pagbabakuna sa 1.2 million na mga bata sa loob lamang ng taong 2024. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us