Pumalo na sa 1.58 trillion pesos ang nakalap ng DTI Board of Investment na pumasok sa bansa mula Enero hangang Nobyembre ngayong taon.
Mas mataas ito ng 44% kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 1.10 Trillion pesos sa kaparehong period.
Ayon kay DTI Secretary Christina Roque na sa naturang halaga ng investment sa ating bansa ang bansang Switzerland ang may pinakamalaking investment na umabot sa 289.06 billion pesos.
Sumunod naman ang bansang Netherland na may 40.59 billion pesos pumangatlo ang Japan na may 14.67 billion pesos sumunod ang South Korea na may 12.73 billion pesos.
Kumpyansa naman ang DTI na maabot nito ang taunang target ng investment na 1.60 trillion pesos bago matapos ang 2024 | ulat ni AJ Ignacio