Nailikas na ang lahat ng mga residente na nasa extended 6KM Permanent Danger Zone ng Bulkan Kanlaon.
Kinumpirma ni Director Raul Fernandez, regional director ng Office of the Civil Defense Western Visayas at head ng Regional Task Force Kanlaon, na 100 porsyento na ang evacuation rate sa Negros Occidental at Negros Oriental matapos mailikas ang karagdagang IPs sa Canlaon City.
Sa ulat ng OCD, mayroong 4,275 pamilya o katumbas ng 13,688 katao ang nasa evacuation centers. Karamihan ng mga inilikas ay mula sa bayan ng La Castellana, kung saan mahigit 6,000 residente ang kasalukuyang nasa mga evacuation center. | ulat ni Hope Torrechante | RP1 Iloilo