101 kaso ng mga naputukan naitala sa bansa ngayong Disyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naitala ng Department of Health (DOH) ang kabuuang 101 kaso ng firecracker-related injuries mula Disyembre 22 hanggang kahapong ng umaga Disyembre 27, 2024.

Sa datos mula sa 62 sentinel sites, 32 bagong kaso ang naitatala. Mas mababa kumpara sa 75 kaso sa parehong petsa noong nakaraang taon.

Sa mga biktima, 82 o 79% ay mga menor de edad na may edad 19 pababa, at karamihan dito ay mga lalaki na may kabuuang 92 kaso. 80% ng mga insidente ay dulot ng paggamit ng iligal na paputok tulad ng boga, 5-star, at piccolo, kung saan 64% ng mga biktima ay aktibong gumamit ng paputok.

Muling nagpaalala ang DOH sa publiko na iwasan ang paggamit ng paputok, lalo na sa mga kabataan. Ilan sa mga panganib na dulot nito ay ang pagkakaputol ng daliri, pagkabulag, pagkabingi, at permanenteng sakit sa baga dulot ng mga nakalalasong kemikal mula sa paputok. Sa mga malubhang kaso, maaaring magdulot ito ng kamatayan.

Sa halip, inirerekomenda ang paggamit ng mga alternatibong pampailaw tulad ng torotot at musika upang ligtas na ipagdiwang ang Bagong Taon.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us