Inaasahan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagdagsa ng mahigit 110,000 biyahero ngayong holiday season.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, posibleng malampasan ng mga bilang ngayong taon ang mga pre-pandemic figures, kung saan noong 2019 ay umabot sa average na 55,000 arrivals at 47,000 departures kada araw ang naitala sa buwan ng Disyembre.
Upang matiyak ang maayos na daloy ng pasahero, nagdagdag na ng mga tauhan ang ahensya sa mga pangunahing paliparan. Sinuspinde na rin ang pag-apruba sa leave ng frontline officers ngayong peak season, at magpapakalat din ang BI ng mga rapid response team at mobile counters para mapabilis ang proseso ng inspeksyon.
Inaasahan na ang pinakamataas na bilang ng mga biyahero ay sa weekend ng Pasko, kung saan noong nakaraang taon ay nakapagtala ito ng 53,000 arrivals at 43,000 departures.| ulat ni EJ Lazaro