13 Pinay surrogates mula sa Cambodia, nasa pangangalaga na ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad na umalalay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 13 Pinay surrogates na inuwi sa Pilipinas mula sa Cambodia.

Kasama si DSWD Assistant Secretary for International Affairs, Attached and Supervised Agencies, Elaine Fallarcuna sa sumalubong sa mga nanay kasama ang tatlong sanggol.

Dinala ang mga ito sa isa sa care facilities sa DSWD sa National Capital Region (NCR) kung saan sila pansamantalang manunuluyan.

Inatasan naman ni DSWD Secretary Gatchalian ang Field Office-National Capital Region na ipaabot ang anumang tulong sa mga surrogate mother sa ilalim na rin ng Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons (RRPTP).

Sa ulat ng DFA, ang 13 Pinay ay nahatulang guilty sa surrogacy na iligal sa Cambodia. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸 DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us