Halos naabo ang hindi bababa sa 15 kabahayan matapos sumiklab ang sunog sa Smokey Mountain Honorio Lopez Balut, Tondo, Manila ngayong umaga.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naging sanhi para mawalan ng tirahan ang halos 20 pamilya.
Naging pahirapan sa mga bumbero ang pag-apula sa sunog dahil Bukod sa makikipot na daan ay pahirap din ang mga bundok ng basura.
Iniimbestigahan pa ng mga bumbero ang sanhi ng sunog na nagsimula ng alas 8:54 ng umaga at nakontrol ng alas 9:33 ng umaga. | ulat ni Michael Rogas