16 gamot sa cancer, diabetes at mental illness, exempted na rin sa VAT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang mga gamot sa merkado na exempted na sa value added tax o VAT.

Kasunod ito ng inilabas na Revenue Memorandum Circular No. 131-2024 ng Bureau of Internal Revenue kaugnay ng 16 gamot na hindi na papatawan ng VAT.

Partikular ito sa mga gamot para sa sakit na Cancer tulad ng may generic name na Degarelix at Tremelimumab.

Gamot sa diabetes na Sitagliptin, at mental illness na Clomipramine Hydrochloride, Chlorpromazine at Midazolam.

Ayon sa BIR, tugon pa rin ito sa inilabas ring listahan ng VAT-Exempt Products mula sa Food and Drug Administration.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., patuloy na susuportahan ng BIR ang pagsisikap ng gobyerno na tulungan ang publiko na magkaroon ng access sa mas abot-kayang pangangalagang pangkalusugan at gamot.

“The BIR supports the National Government’s thrust of more affordable medicine and healthcare. The BIR will do its share in uplifting the lives of our fellow Filipinos.” Commissioner Lumagui. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us