Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang matagumpay na taon ang 2024 sa kabila ng patuloy na panggigipit ng China sa West Philippine Sea.
Ganito inilarawan ni Philippine Navy Spokesperson, RAdm. Roy Vincent Trinidad ang 2024, hindi lamang para sa AFP kundi para sa buong bansa.
Kaya naman, sinabi ni Trinidad na hindi magpapatinag ang AFP sa pagtupad sa kanilang mandato na protektahan ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea, Northern Islands, at Eastern Seaboard.
Magsasagawa naman aniya ng annual analysis ang AFP sa kung gaano karaming harassment ang ginawa ng China, at umaasa silang magkakaroon ng mas marami pang accomplishments pagpasok ng 2025.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng Command Conference ang mga opisyal ng AFP sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kampo Aguinaldo, at mamayang hapon, pangungunahan ito ang pagdiriwang ng anibersaryo ng AFP. | ulat ni Jaymark Dagala