Muling nakapagpauwi ang pamahalaan ng kabuuang 23 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Israel, kagabi, Disyembre 27.
Agad silang sinalubong ng Airport Team ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa kanilang pagdating.
Ayon sa OWWA, agad na ipinagkaloob ang financial assistance sa mga OFWs bilang tulong sa kanilang muling pagsisimula sa bansa.
Bukod dito, nagbigay din ang ahensya ng food at transportation assistance, pati na rin hotel accommodation, kung kinakailangan, upang matiyak ang kanilang maayos na pag-uwi.
Samantala, kasalukuyan namang nagpapatuloy ang mga usapin ng ceasefire sa pagitan ng Israel at grupong Hamas matapos ang higit isang taong kaguluhan sa lugar.| ulat ni EJ Lazaro