Presyo ng Lechon sa La Loma, tumaas pa ngayong bisperas ng Pasko

Tumaas pa lalo ang presyo ng Lechon sa La Loma, Quezon City ngayong bisperas ng Pasko. Ayon sa ilang lechonero, mula sa taas na ₱500 kada piraso, nasa ₱1,000 hanggang ₱2,000 na mas mataas na ngayon ang presyo ng kada lechon depende sa laki. Sa pwesto ni Aling Nena, ang pinakamaliit na 8-kilograms na lechon… Continue reading Presyo ng Lechon sa La Loma, tumaas pa ngayong bisperas ng Pasko

Higit 400 na non-organic personnel ng Kamara, nakabenepisyo sa AKAP program

Nasa 452 na mga non-organic employees ng Kamara gaya ng security guards, janitors, dishwashers, at iba pang utility personnel, nakabenepisyo sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Bukod sa ₱10,000 na tulong pinansyal na natanggap, pinagkalooban din sila ng tig-10 kilong bigas mula sa Office… Continue reading Higit 400 na non-organic personnel ng Kamara, nakabenepisyo sa AKAP program

Presyo ng buko sa Litex Market, tumaas

Aabot na ngayon sa ₱55 ang kada piraso ng buko na ibinibenta sa Litex Market. Higit ₱10 ang itinaas nito mula sa ₱45 na bentahan noong mga nakaraang buwan. Ayon sa ilang tindera, naapektuhan daw ng bagyo ang kanilang supplier ng buko sa Quezon kaya nagtaas ito ng benta. Umaasa naman ang mga nagtitinda ng… Continue reading Presyo ng buko sa Litex Market, tumaas

Party-list solons, ikinalugod ang pag-aalis ng DOH sa booklet requirement ng mga senior citizen

Nagpaabot ng pasasalamat si Senior Citizen party-list Representative Rodolfo Ordanes sa Department of Health (DOH) matapos alisin na ang booklet requirement para makakuha ng diskwento ang mga senior citizen kapag bumibili ng gamot. Aniya malaking bagay ang pakikinig ng ahensya sa matagal na nilang panawagan. Hirit niya na sana, pati ang mga persons with disabilities… Continue reading Party-list solons, ikinalugod ang pag-aalis ng DOH sa booklet requirement ng mga senior citizen

CAAP, itinaas ang antas ng travel eperience sa mga paliparang sakop nito

Binigyang-diin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kahalagahan ng karanasan ng mga pasahero sa kanilang mga paliparan. At para maisagawa ito ay bukod sa pagtiyak ng maayos na operasyon ay namahagi ang CAAP ng mga Malasakit Kits. Ayon sa CAAP, naglalaman ang mga ito ng essential items gaya ng biskwit, kape, at… Continue reading CAAP, itinaas ang antas ng travel eperience sa mga paliparang sakop nito

Panibagong record high sa dami ng pasahero, naitala ng PITX

Agad nabura ang naitalang record ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong weekend pagdating sa dami ng bilang ng pasahero na pumunta sa kanilang terminal.  Sa pinakahuling tala ng PITX kaninang alas-12 ng madaling araw umabot ang kabuuang bilang para sa December 23, 2024 sa 232,974.  Ayon kay Jayson Salvador ang head ng PITX Corporate… Continue reading Panibagong record high sa dami ng pasahero, naitala ng PITX

LTO Chief Mendoza, may paalala sa mga motorista ngayong holiday season

Muling nagpaalala si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II sa mga motorista na doblehin ang pag-iingat ngayong holiday season. Hinikayat ni Asec. Mendoza ang mga motorista na iprayoridad ang road safety at kaligtasan ng mga pedestrian. Ugaliin aniyang suriin ang lagay ng sasakyan kasama ang gulong at makina para iwas… Continue reading LTO Chief Mendoza, may paalala sa mga motorista ngayong holiday season

Q City Bus, inilabas na ang iskedyul ng libreng sakay sa Kapaskuhan at Bagong Taon

Nag-abiso na ang Quezon City Local Government sa iskedyul ng biyahe ng Q City Bus ngayong holiday season. Batay sa inilabas nitong bus service advisory, walang biyahe ang Q City Bus ngayong bisperas ng Pasko, December 24, Dececember 30 na isang regular holiday, at sa January 1, 2025. May biyahe naman ang Q City Bus… Continue reading Q City Bus, inilabas na ang iskedyul ng libreng sakay sa Kapaskuhan at Bagong Taon