Muli pang nagtala ng mga pagyanig o volcanic earthquakes ang Mt. Kanlaon sa Negros Island.
Batay sa update ng PHIVOLCS, mayroong 26 volcanic earthquake o pagyanig ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24 oras.
Nasa 4,555 tonelada rin ng asupre o sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan habang patuloy rin ang pamamaga ng bulkan.
Sa kasalukyan, nakataas pa rin ang Alert level 3 ang Bulkan kung saan pinalilikas ang mga nakapaloob sa 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan.
Una na ring pinaalalahanan ang mga residente sa Negros na mag-ingat at maging mapagbantay sa banta ng lahar flow mula sa Bulkang Kanlaon, kasabay ng inaasahang mga pag-ulan sa Visayas Region. | ulat ni Merry Ann Bastasa