Bentahan ng kakanin sa Marikina City, apektado ng masamang panahon

Umaasa ang mga nagtitinda ng kakanin sa Marikina City na bubuti na ang lagay ng panahon bukas hanggang sa pagpapalit ng taon. Ayon sa mga nagbebenta ng kakanin sa JP Rizal Street sa Barangay San Roque, maganda naman ang bentahan sa ngayong dalawang araw na lamang bago ang 2025. Pero naniniwala silang may ilalakas pa… Continue reading Bentahan ng kakanin sa Marikina City, apektado ng masamang panahon

Bulkang Kanlaon, 6 na beses nagbuga ng abo — PHIVOLCS

Anim na beses pang nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros sa nakalipas na 24-oras, ayon yan sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng 12 hanggang 84 minuto ang naitalang aktibidad. Naiulat din ang 23 volcanic earthquakes sa bulkan kabilang ang 11 volcanic tremors na tumagal… Continue reading Bulkang Kanlaon, 6 na beses nagbuga ng abo — PHIVOLCS

Pagbabayad ng amortisasyon sa pabahay ng NHA, tinatanggap na sa 7-Eleven kiosk

Pinadali pa ng National Housing Authority (NHA) ang pagbabayad ng amortisasyon sa pabahay. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-partner saBayad Inc. upang mapabilang na ang pagbabayad ng amortisasyon sa bahay sa mga digital na serbisyo na maaaring tanggapin sa mga kiosk ng mga 7-Eleven branches sa buong bansa. Ayon sa NHA, ang inisyatibo na ito… Continue reading Pagbabayad ng amortisasyon sa pabahay ng NHA, tinatanggap na sa 7-Eleven kiosk

PBBM, nakikiisa sa paggunita ng araw ni Dr. Jose Rizal

Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paggunita ng Rizal Day. Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nitong nananatiling buhay hanggang sa kasalukuyan ang bisyon ng bayaning si Rizalkahit mahigit isang siglo na ang lumipas. Paghikayat ng Pangulo sa mga Pilipino na balikan ang kasaysayan nang may pagmamalaki at isabuhay ang lahat ng… Continue reading PBBM, nakikiisa sa paggunita ng araw ni Dr. Jose Rizal

Iba’t ibang pampaswerte at pampaingay sa pagsalubong ng Bagong Taon, nagkalat sa Commonwealth Market

Dalawang araw bago ang pagsalubong ng 2025, nagkalat na rin ang ilan sa mga pampaswerte at alternatibong pampaingay gaya ng torotot sa Commonwealth Market sa Quezon City. Kaliwa’t kanan na ang mga stall na may nakadisplay na ang ibat ibang size ng torotot at snake ornaments na umano’y pampaswerte para sa pagpasok ng 2025. Ang… Continue reading Iba’t ibang pampaswerte at pampaingay sa pagsalubong ng Bagong Taon, nagkalat sa Commonwealth Market

Caloocan Mayor Malapitan, pinatututukan ang mga ipinagbabawal na paputok, boga, at mga maiingay na motor sa lungsod

Muling inatasan ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang lahat ng mga opisyal at tanod ng barangay na mag-ikot sa kanilang nasasakupan para masigurong walang gumagamit ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng El Diablo, Judas’ belt, whistle bomb, baby rocket, sa pagsalubong ng 2025. Maging ang paggamit ng boga o improvised cannon ay ipinagbabawal din… Continue reading Caloocan Mayor Malapitan, pinatututukan ang mga ipinagbabawal na paputok, boga, at mga maiingay na motor sa lungsod

Ligtas at mapayapang pagsalubong sa Bagong Taon, prayoridad ng PNP

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng tauhan nito na gawing prayoridad ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa pagsalubong sa Bagong Taon. Ginawa ng PNP chief ang pahayag bilang pagtitiyak sa mapayapang pagdaraos ng nasabing okasyon gayundin sa kahandaan ng mga pulis na tumugon sa anumang emergency… Continue reading Ligtas at mapayapang pagsalubong sa Bagong Taon, prayoridad ng PNP

MRT at LRT, maghahandog ng LIBRENG SAKAY ngayong Rizal Day

Pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko na planuhing maigi ang kanilang biyahe ngayong Holiday Season. Kasabay nito, inanunsyo ng DOTr na maghahandog ng LIBRENG SAKAY ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 gayundin ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 ngayong araw. Batay sa anunsyo, magsisimula ang libreng sakay mula alas-7 hanggang alas-9… Continue reading MRT at LRT, maghahandog ng LIBRENG SAKAY ngayong Rizal Day

DOF Sec. Recto, itinaas ang rekord sa pinakamataas na kita mula sa non-tax revenues ngayong 2024

Photo courtesy of Department of Finance (DOF)

Sa pagtatapos ng Nobyembre 2024, umabot na sa ₱555.30 billion ang kita mula sa non-tax revenues, na mayroong 45.6% na pagtaas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Inaasahang aabot sa ₱606.6 billion ang kabuuang kita mula sa non-tax revenues sa buong taon ng 2024—ang pinakamataas na naitala.  Ito ay higit pa sa target na… Continue reading DOF Sec. Recto, itinaas ang rekord sa pinakamataas na kita mula sa non-tax revenues ngayong 2024

LandBank, inanunsyo ang patuloy na katatagan nito sa kabila ng ₱50-B na paglipat sa Maharlika Investment Fund

Matapos maglipat ng ₱50 billion sa Maharlika Investment Fund (MIF), sinabi ng Land Bank of the Philippines na nananatili itong matatag sa pinansyal at sumusunod sa mga regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Sa isang pahayag, sinabi ng LandBank na patuloy nitong natutugunan at kahit lampasan pa ang minimum na kinakailangang Capital Adequacy Ratio… Continue reading LandBank, inanunsyo ang patuloy na katatagan nito sa kabila ng ₱50-B na paglipat sa Maharlika Investment Fund